Panukala na gawing National Polytechnic University ang PUP, na-veto ni Pangulong Duterte

Hindi nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na gawing National Polytecnic University ang Polytechnic University of the Philippine (PUP).

Katwiran ni Pangulong Duterte, isa lang sa mga State Universities and Colleges sa bansa ang PUP.

Kailangan muna aniyang suriin nang mabuti ang paglipat ng PUP bilang isang National University base sa kasalukuyang performance ranking nito at extension programs.


Ipinapanukala ng Senate Bill No. 2124 at House Bill No. 9023 na gawing National University ang PUP.

Facebook Comments