DAGDAG PASAHE | Dagdag na P2 per minute travel time fare ng Grab, muling ipatutupad ngayong araw

Simula ngayong araw muling idadagdag sa pamasahe ng Grab ang P2 per minute travel time fare component na una nang sinuspinde noon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay makaraang katigan ng LTFRB ang apela ng Grab.

Ayon kay Leo Gonzales, Grab Philippines Public Affairs Head nagpapasalamat sila sa LTFRB dahil sa pagbabalik sa P2 per minute travel time fare component ay muling sisigla ang TNVS operations sa Metro Manila.


Paliwanag nito, maraming hindi pumasadang Grab partner driver noong sinuspinde ang P2 per minute travel time fare component dahil lugi ang mga driver dahil na rin sa traffic, mataas na presyo ng langis, car maintenance at amortization kung kaya at nagresulta ito sa pahirapang pagbo-book sa Grab at kakulangan ng mga pumapasadang Grab drivers.

Kasunod nito nangako ang Grab Philippines na ibaba nila ang surge price sa 1.6x kumpara sa 2.0x at sa ngalan din anila ng transparency, magkakaroon na ng breakdown sa resibo sa pamasahe ng Grab sa mga susunod na araw.

Facebook Comments