Manila, Philippines – Naghain ngayong araw sa LTFRB ng fare hike petition para sa bus ang tatlong grupo ng transportasyon.
Sa kanilang joint petition, hinihiling ng SOLUBOA, Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas at STOP Incorporated na magtaas ng singil sa pasahe sa Metro Manila at maging sa kanilang provincial operation.
Kabilang sa dahilan ng kanilang petisyon para sa provisional fare increase ang patuloy na pagmahal ng imported spare parts at operational cost sa pagpapatakbo ng isang public mass transport, pagtaas ng singil sa toll fee sa expressway, wage increase order at ang pagiging compliant nila sa mga rekisito ng Bus Modernization Program kung saan dapat ay brand new ang bibilhing unit at may safety accessories ito tulad ng CCTV cameras, dash cam at iba pa.