Manila, Philippines – Naniniwala ang Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na mas lalong nagpapahirap sa mga minimum wage earners ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Batay sa datos ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), ang kabuuang average ng daily nominal minimum wage sa 17 rehiyon sa bansa na P329.35 ay nasa P210 pesos na lamang.
Ayon kay TUCP Spokesman Alan Tanjusay, bumababa ang purchasing power ng sweldo dahil sa TRAIN law.
Mula nitong Marso a-uno, ang total purchasing power ng mga manggagawasa isang buwan ay bumagsak sa 8,575 pesos.
Ipiprisinta ng ALU-TUCP kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang pagpupulong sa Marso 22 ang mungkahing 500 pesos na buwanang subsidy para sa minimum wage earners.