DAGDAG-PONDO| Alliance of Health Workers nagsagawa ng kilos protesta sa harapan ng DBM

Manila, Philippines – Kinalampag ng grupong Alliance of Health Workers (AHW) ang tanggapannng Department of Budget and Management (DBM) upang ipanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan ang pondo ng mga Health Workers.

Ayon kay AHW National President Robert Mendoza mahigit dalawang dekada na ang kanilang kahilingan na dagdagan ang pondo para pampublikong hospital at mga pasilidad pero binabalewala lamang ng mga nakaraang administrasyon maging sa Duterte Administration.

Paliwanag ni Mendoza nasasaksihan nila kung papaano pumipila madaling araw pa lamang sa PCSO at sa mga tanggapan ng kongresista ang mga mahihirap na Pinoy para lamang magmamakaawa para sila maambunan ng biyaya para sa kanilang mga nararamdamang sakit sa katawan.


Kinuwestyon ng Alliance of Health Workers (AHW) ang kwestyunableng pondo ng Dengvaxia na 3.1 bilyong piso, maging ang 8.1 bilyong pisong pagtatayo ng 5,700 Barangay Health Stations at 10 bilyong pisong PhilHealth Funds na umaabot lahat ng 21.2 bilyong piso habang napababayaan na ang mga pampubliko  Hospital at pasilidad sa bansa.

Umapela ang grupo sa DBM na imbestigahan ang aktwal na sitwasyon sa mga pampublikong hospital at pakinggan ang tunay na mga gastusin at bigyan ng sapat na pondo ang pangkalusugan uoang mabigyan ng libreng gamot ang mga mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments