Humirit ng dagdag na pondo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, naghahanap sila ng P43 bilyon pondo para sa nasabing proyekto.
Dagdag ito sa P3 bilyon nailaan sa proyekto simula noong 2019.
Gagamitin ang pondo partikular sa iba’t ibang proyekto sa Manila bay tulad ng relokasyon sa mga residente at pagpapanumbalik sa kalidad ng tubig.
Facebook Comments