Manila, Philippines – Mariing kinontra ni Committee on Public Services Chairpeson Senator Grace Poe ang pagbibigay ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang prangkisa sa mga bus, jeep o UV express.
Ito ay para solusyonan ang problema kaugnay sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
Paalala ni Senator Poe, ang pagbibigay ng karagdagang prangkisa ay nangangahulugan ng karagdagang sasakyan sa kalsada na lalong magpapasikip sa daloy ng trapiko.
Kaya sa halip aniya na magbigay ng dagdag prangkisa ay pinakamainam pa rin na magkaroon ng dayalogo sa pagitan ng mga nagrereklamo at nakikinabang sa PITX.
Ayon kay Poe, kabilang dito ang mga operators ng bus, jeep at UV express, mga commuters at iba pang stakeholders.
Iminunkahi din ni Senator Poe ang pagbuo ng Technical Working Group (TWG) na maglalatag ng plano o mga hakbang para sa ikabubuti ng implementasyon ng PITX.