Dagdag-presyo sa ilang noche buena products, hiniling ng ilang manufacturer ayon sa DTI

Humihiling ngayon ng dagdag-presyo sa ilang noche products ang mga negosyante ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, kabilang sa inihihirit ng mga negosyante na taasan ang presyo ay ang ilang ham, tomato sauce at iba pa na inihahanda tuwing Pasko.

Paliwanag ni Castelo na bagama’t ang presyo ng noche buena products ay nananatili sa presyo pa noong 2019 dahil hindi ito pinayagang magtaas noong nakaraang taon.


Nilinaw naman ni Castelo na ito ay masusi pa umanong pinag-aaralan ng DTI kung saan kailangan balansehin ang interes ng mga mamimili at negosyante.

Una rito, nag-ikot kahapon ang DTI sa mga supermarket sa Taguig kung saan ang lahat naman ng mga produkto ay nakasunod sa ipinatutupad na suggested retail price at sumusunod naman sa health and safety protocol na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force.

Facebook Comments