Manila, Philippines – Nananawagan ang Department of Health sa lahat ng sektor at mga katuwang nito na tulungan sila sa pagpapaiging ng kanilang kampaniya kontra Human Immunodeficiency Virus.
Malaking tulong ayon kay Health Undersecretary Herminigildo Valle, ang papel ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa pag po-promote ng HIV testing sa mga populasyon na mataas ang HIV risk.
Ang panawagang ito ni Valle ay kasunod ng pagkakatala sa 871 bagong kaso ng HIV sa buwan ng Pebrero kung saan 29% sa mga ito ay nagmula sa mga kabataang nasa edad 15-24 na taong gulang.
Una na ring sinabi ng DOH na itinaas nila sa 1 bilyong piso ang pondo ng ahensya para labanan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa.
Facebook Comments