PRAYORIDAD | Bagong Justice Secretary Guevarra, tiniyak na tututukan ang kaso nina Espinosa at Napoles

Manila, Philippines – Tiniyak ni Jusice Secretary Menardo Guevarra na bibigyan niya ng prayoridad ang pag-review sa pinakahuling mga aksyon ng DOJ sa drug case laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pa.

Ayon kay Guevarra, muling pag-aaralan ng bagong pamunuan ng DOJ ang kaso ni Janet Lim Napoles.

Gayunman, tumanggi munang magkomento ang Kalihim sa naturang mga kaso dahil kailangan niya muna itong pag-aralan ng mabuti.


Ayon kay Guevarra, bumubuo na siya ng legal team na tutulong sa kanya at sa mga beteranong abogado ng Justice Department.

Bukas, dadalo si Guevarra sa gagawing flag ceremony sa DOJ bagamat sa susunod na linggo pa ito pormal na manunungkulan sa Department of Justice.

Facebook Comments