DAGDAG PWERSA | Karagdagang pulis, kailangan ng Itogon, Benguet LGU para ipatupad ang crackdown laban sa illegal small-scale mining operations

Itogon, Benguet – Iginiit ni Itogon, Benguet Mayor Victorio Palangdan na kailangan nila ng karagdagang pulis para maipatupad ang crackdown laban sa mga illegal small-scale mining operations.

Ito’y kasunod ng landslide sa bayan na ikinamatay ng 42 katao sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Ayon kay Palangdan – handa ang kanilang lokal na pamahalaan na i-implementa ang cease and desist order laban sa ilegal na pagmimina sa rehiyon.


Pero wala pa aniya silang natatanggap na opisyal na dokumento.

Aminado ang Alkalde na hindi nila kayang ipahinto ito dahil malaki ang small-scale mining sa kanilang lugar.

Una nang nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga small-scale miner na makipag-cooperate sa gobyerno at itigil ang mga aktibidad nito sa Cordillera Autonomous Region.

Facebook Comments