DAGDAG PWERSA | Special CAFGU para sa lungsod ng Cotabato, sasailalim na sa training

Cotabato City – Sasailalim nasa training ang Special Civilian Army
Auxiliary o SCAA

para sa Cotabato City na kukunin mula sa mga barangay.

Sinabi mismo ito ni Cotabato City Mayor Atty.Frances Cynthia Guinai Sayadi,
pagkatapos ng Semana Santa ay sasailalim na sa training ang mga SCAA ng
lungsod sa kampo ng 6th infantry kampilan division.


Ang mga baril ay manggagaling sa kampilan habang ang sahod ng mga miyembro
ay aakuin ng pamahalaang lungsod.

Layong pagtatag ng SCAA na madagdagan ang force multiplier ng lungsod para
sa pagpapanatili ng peace and order at mahadlangan ang pagpasok ng mga
ISIS inspired group.

Facebook Comments