Dagdag Remdesivir na binili ng Manila LGU, dumating na

Masayang ibinalita ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso na dumating na ang 3,000 vials ng Remdesivir na binili ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Domagoso, ito ay libreng ipagkakaloob ng Manila City government sa mga pasyenteng may mild hanngang severe cases ng COVID-19.

Tiniyak ni Mayor Isko na patuloy ang Manila LGU sa paghahanap ng paraan upang sama-sama at walang iwanang malagpasan itong pandemya na ating kinakaharap.


Samantala, nagbukas ngayon ng 1,400 slots ang drive-thru vaccination sa Maynila kaya magparehistro na sa www.manilacovid19vaccine.ph dahil bawal ang walk-in dito.

Ang nabanggit na slots ay available mula September 20 hanggang September 26.

Sa pinakahuling tala ay umaabot sa 1,260 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 246 ang bagong nahawaan ng virus habang 255 ang mga bagong gumaling at 2 ang nadagdag sa mga nasawi.
#######

Facebook Comments