
Epektibo na simula ngayong araw ang dagdag sahod sa minimum wage earners na nagtatrabaho sa pribadong sektor sa Bicol Region.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa ₱455 na ang bagong minimum na arawang sahod sa Bicol matapos ang P20 na dagdag.
Muli naman itong tataas at magiging P480 sa unang araw ng Disyembre para sa ikalawang tranche o bugso ng umento sa sahod.
Samantala, may dagdag sahod din ang mga kasambahay o domestic workers sa Bicol.
Sa ngayon ay nasa P6,000 na ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon matapos aprubahan ang P1,000 dagdag.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), ito na ang huling rehiyon na kumukumpleto sa wage adjustment cycle para sa taong 2025–2026.
Facebook Comments










