Sunday, April 19, 2026

Mahigit P10.9 milyong halaga ng Marijuana, nasamsam sa isang linggong operasyon ng PRO-CAR

Matagumpay na nasamsam ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) ang nasa higit P10.9 milyong Marijuana plant sa isinagawa nitong isang linggong operasyon.

Ang nasabing pinaigting na anti-illegal drug operations ay isinagawa nitong March 30 hanggang April 5.

Kung saan nasa 19 na targeted operation ang isinagawa ng mga awtoridad na nagresulta sa eradication ng nasa 54,550 fully grown marijuana plants.

Pinuri naman ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang mga pulis na nasa likod ng nasabing matagumpay na operasyon.

Tiniyak naman ng pambansang pulisya na patuloy ang dedikasyon nito laban sa ilegal na droga at sa pagpanatili ng ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Facebook Comments