Manila, Philippines – Tinawag na barya ng ALU – TUCP o Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines ang inaprubahang umento sa sahod ng wage board.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay hindi sapat ang P21 pesos upang makaahon sa kahirapan ang buhay ng mga manggawa.
Sa katunayan aniya, P184 ang kanilang hinihiling na umento sa panig ng ALU habang P259 naman ang inihihirit na umento ng TUCP.
Kasabay nito’y nanawagan si Tanjusay kay Pangulong Rodrigo Duterte na pagbigyan ang kanilang hiling na P500 subsidiya para sa mga minimum wage earners.
Una rito’y inaprubaham ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang 21 pisong umento sa suweldo bunsod ng kabi-kabilang petisyong ng grupo ng mga manggagawa.
Dahil dito’y, magiging 512 Piso na ang arawang suweldo ng mga manggagawa sa Metro Manila mula sa dating 491 piso kada araw.