Ito ay upang talakayin ang posibleng pagbabago sa sahod ng mga manggagawa sa rehiyon at tugon rin sa harap ng pagtaas sa presyo ng ilang pangunahing bilihin ng publiko.
Layon din ng hearing ang malaman ang anumang saloobin ng mga stakeholders lalo na ang mga manggagawa sa pribadong kumpanya, mga negosyante, kasambahay at iba pa kaugnay sa panawagang itaas ang minimum wage rate sa rehiyon.
Pagtutuunan rin ng pansin kung magkano ang maaaring idagdag sa hiling na umento sa sahod.
Batay sa Socio-Economic Profile, ang kita ng manggagawa sa Non-Agriculture Retail and Service ay 370 pesos habang sa Agriculture ay 345 pesos at sa Retail and Services na may hanggang sampung empleyado ay nasa P340 lamang.
Kabi-kabila naman ang tuwa ng ilang manggagawa dahil sa wakas umano ay mapag-uusapan na ang umento sa sahod sa isasagawang Public hearing.
Sa tala naman ng ahensya, mula sa 2021 statistics, ang rehiyon dos ay mayroong 1.6M na labor force na katumbas ng 3.5% sa kabuuang labor force ng bansa kung saan marami sa mga ito ay nasa Agrikultura at iba’t ibang industriya, at serbisyo.