Manila, Philippines – Humirit na rin ang mga pampublikong guro ng taas sahod sa harap ng posibleng pagtaas pa ng inflation rate sa ikatlong hati ng 2018.
Ayon kay Act Philippines Ben Balbuena, humihirit sila ng dagdag na P1,510 para makaagapay sa lumalaking gastusin kada buwan.
Aniya, bagaman at may dagdag na naiuuwi na sila mula sa income tax exceptions sa ilalim ng TRAIN law, mabilis naman na kinakain ito ng nagtataasang bilihin at serbisyo.
Sinabi ni Balbuena na dapat ay dagdagan sa halip na kaltasan ang alokasyon ng education budget para mapagbigyan ang hirit sa sahod.
Kahapon ay nangalampag ang grupo sa harap ng Batasan Pambansa kasabay ng deliberasyon ngayong araw ng house committee on appropriations sa 2019 DepEd budget.
Facebook Comments