TITIYAKIN | CJ De Castro, nangakong pananatilihin ang independence ng hudikatura

Manila, Philippines – Tiniyak ni Chief Justice Teresita De Castro ang pagiging independent ng Hudikatura at Korte Suprema mula sa ehekutibo.

Ayon kay De Castro, hindi siya mahihirapan na panatilihin ang independence ng hudikatura.

Nilinaw ni De Castro na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakaharap o nakakausap ang Pangulong Duterte.


Itinalaga anya siya ng Pangulo sa pwesto kahit hindi siya nito kilalang personal.

Naniniwala rin ang Punong Mahistrado na hindi gagawa ng hakbang ang Pangulo para sirain ang independence ng hudikatura.

Facebook Comments