Binigyang diin ng Home Mutual Development Fund o Pag-IBIG na ang umento sa sahod ng mga empleyado nito noong 2018 ay dumaan sa due process at hindi kailangan ng approval ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay CEO Acmad Rizaldy Moti – naaayon ang increments sa kanilang compensation plan ng Pag-IBIG.
Ikinukunsidera siyang ‘pagtaas’ sa salary rate pero isa ang adjustment para maibsan ang epekto ng inflation.
Aniya, ang adjustment ay “long overdue” na at kailangan para sa dagdag na tauhan para sa dumaraming miyembro ng Pag-IBIG.
Ang pahayag ng Pag-IBIG ay kasunod ng pagkwestyon ng Commission on Audit (COA) sa umano’y illegal disbursement” sa 248.3 million pesos para sa salary increase ng mga opisyal at empleyado nito noong 2018.
Ang sahod ng mga empleyado ng Pag-IBIG Fund ay hindi nagalaw mula pa noong 2009, maliban sa one-step increment noong 2013.