Dagdag sahod sa mga kawani ng gobyerno, handa na ayon sa DBM

 

Nakahanda na ang Php 34 billion na pondo sa ilalim ng 2020 national budget para sa inaasahang dagdag sahod ng mga kawani ng gobyerno ngayong taon.

 

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Director Gerald Handa, naisumite na sa Office of the President ang enrolled bill ng SSL 5 at, inaantay na lamang nila ang approval at paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte dito.

 

Sa ilalim ng SSL 5, hahatiin sa apat na tranche ang dagdag sahod sa mga government employees simula ngayong 2020 hanggang 2023.


 

Para sa mga empleyado na mayroong Salary Grade 1 o katumbas ng Php 11, 068 ay magiging Php13, 000 pagdating ng taong 2023.

Facebook Comments