Dagdag Sahod Sa Mga Manggagawa Sa Region Ii At Iii – Epektibo Na Sa Mayo 1

27

MANILA – Kinumpirma ng Department of Labor and Employment na malabo pang magkaroon nang dagdag sahod ang mga manggagawa sa National Capital Region.Ayon kay DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, pinag-uusapan pa kasi ang dalawang petisyon sa wage hike sa NRC.Pero pagtitiyak naman ni Baldoz na simula sa May 1 o labor day, makakatanggap ng umento sa sahod ang mga manggagawa sa Region 2 at 3.Sa Region 2, P45 Ang dagdag kada araw para sa mga minimum wage earner, P7 Ang dagdag sa Region 3 habang P10 naman sa Aurora Province.Una nang nagtaas noong Marso ng P15 sa sahod ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM para sa non agriculture sector habang P5 sa agriculture sector.

Facebook Comments