Manila Prosecutor’S Office, Pinasasampahan Na Ng Kasong Cybercrime Charges Ang Naarestong Hacker Ng Website Ng Commissio

38

MANILA -Inirekomenda ng Manila Prosecutor’s Office ang pagsasampa ng Cybercrime Charges laban sa naarestong hacker ng website ng Commission On Elections (Comelec).Ito’y matapos makitaan ng probable cause ang reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa Information Technology Graduate na si Paul Biteng.Ayon kay Manila Chief Inquest Prosecutor Joven Senados – mahaharap si Biteng sa kasong paglabag sa anti-cybercrime law, kabilang ang illegal access, data interference at illegal use of devices.Maliban dito – Sinabi naman ni Vic Lorenzo, Executive Officer ng NBI Cyber Crime Division – na nanakuha na sila ng court order mula sa Malabon Regional Trial Court para sa full forensic examination sa nakumpiskang dalawang cellphone at tatlong commuter ni Biteng.

Facebook Comments