“Dagdag sasakyan”, iyan ang naging hinaing ng mga commuters sa Pangasinan dahil sa nararanasang epekto ng kakulangan sa pampasaherong sasakyan lalo na umano tuwing sasapit ang kanilang pag-uwi.
Ayon sa ilang mga commuter na nakapanayam ng IFM Dagupan, partikular ang mga gumagawi sa Dagupan City at nagmumula pa sa mga bayan ng Lingayen, Urdaneta, Labrador, Sual, Binmaley, San Carlos at iba pang malalayong munisipalidad ay nahihirapan umano sa pag-uwi dahil sa tagal ng mga iba pang sasakyan.
Matagal na oras umano ang kanilang ginugugol sa paghihintay lamang, bilang resulta, late na rin makauwi ang mga ito.
Hiling ng mga ito na sana dumami pa ang mga sasakyan maging ang mga modernized jeepney at kahit pa umano mag dagdag sa pasahe ang mga ito.
Handa rin daw sila sa fare increase na isinusulong ng transport sector basta raw ay dagdagan pa ang mga pampasaherong sasakyan. |ifmnews
Facebook Comments