Manila, Philippines – Tumaas ng P10 hanggang P20 kada kilo ang presyo ng manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila bunsod ng kakulangan sa suplay dahil sa mainit na panahon.
Paliwanag ni Simeon Amurao, Assistant Director sa bureau of Animal Industry, apektado talaga ng mainit na panahon ang produksyon ng manok.
Sa ilang pamilihan, tumaas na ang presyo ng paa na mula P70 kada kilo ay naging P100 kada kilo na.
Pumalo naman ang kada kilo ng pakpak sa P150 mula sa dating P140 habang ang pecho na dating P110 kada kilo ngayon ay P130 na.
Sa datos rin ng United Broilers Raisers Association of the Philippines (UBRA), tumaas na din ang presyo ng farm gate o mga manok sa mga poultry farm sa mga lalawigan.
Facebook Comments