DAGDAG SINGGIL | Presyo ng ilang school supplies, tumaas

Manila, Philippines – Tumaas na ang presyo ng mga school supplies gaya ng mga notebook at pad paper.

Sa isang panayam sinabi ni Gerry Lim Bon Hiong, presidente ng Philippine School Pads and Notebooks Association, Inc. (PHISPANO), na labinlima hanggang 20 porsiyento ang itinaas sa presyo ng paper school supplies.

Katumbas ito ng P1.50 hanggang P2 kada item ng papel.


Aniya, ang pagmahal sa presyo ng mga school supply ay dahil sa pagtaas ng presyo ng papel sa pandaigdigang merkado.

Dagdag pa ng PHISPANO, kapag nagtuloy-tuloy ang pagmahal ng papel sa merkado, mapipilitan silang magtaas ulit ng presyo sa third quarter hanggang mga huling buwan ng 2018.

Dahil dito, sabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, pupulunging nila sa susunod na linggo ang mga opisyal ng PHISPANO.

Facebook Comments