Sa pagpasok ng mainit na panahon asahan ang taas singil sa kuryente ngayong
Marso ayon sa Dagupan Electric Corporation. Sinabi ni Atty. Randy Castilan
ng DECORP na 0.62 centavos ang itinaas na dagdag singil ng DECORP ngayong
Marso kumpara noong Pebrero dahil umano sa init ng panahon.
Paliwang ni Castilan na kumukunti ang supply ng kuryente tuwing summer dahil narin sa tumataas na demand. Asahan naman ng posibilidad na baba naman ang singil ng
kuryente sa panahon ng tag-ulan. Sa ngayon patuloy ang mga isinasagawang
pagsasaayos ng mga insulators at poles sa mga coastal areas ng San Fabian
at Bonuan para sa maagang paghahanda para sa tag-ulan at bagyo ngayong taon.
Facebook Comments