DAGDAG SINGIL | Big time oil price hike ngayong araw, masusundan pa

57

Manila, Philippines – Masusundan pa ng panibagong dagdag-presyo ang big-time oil price hike ngayong araw.

Ayon kay Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad – ito ay dahil sa nararanasang political crisis sa mga bansang pangunahing producer ng langis gaya ng Iran, Venezuela at Libya.

Kabilang dito ang napipintong pagpapatawa ng sanction ng Estados Unidos sa oil industry ng Iran, bagsak na produksyon ng langis sa Venezuela at patuloy na kaguluhan sa libya na dahilan ng paggalaw ng presyo ng langis.

Bukod dito, tumaas din ang presyo ng krudo sa kabila ng pangako ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magdaragdag sila ng crude oil output noong Hunyo.

Ayon kay Abad – sa halip na 2-million barrels na napagkasunduan, 500,000 barrels lang ang naiakyat ng Saudi Arabia.

Facebook Comments