TYPHOON JEBI | Mga residente sa Japan, nagsimula nang lumikas dahil sa nakaambang pag-landfall ng Typhoon Jebi

45

Japan – Nagsimula nang lumikas ang nasa halos tatlong-daang libong residente ng Japan dahil sa nakaambang pag-landfall ng Typhoon Jebi.

Ngayong araw kasi inaasahang tatama ang bagyo sa maliit na isla ng shikoku bago manalasa sa Western Japan.

Nasa 600 biyahe naman ng mga eroplano, ferry at tren ang kinansela maliban sa shinkansen bullet train na nagpapatupad ng limitadong oras ng biyahe.

Samantala, isinara na rin muna ang tanyag na Universal Studios Japan.

Facebook Comments