DAGDAG SINGIL | Bigtime oil price hike, sasalubong sa Labor Day

Manila, Philippines – Bigtime ang magiging pagmahal sa presyo ng mga produktong petrolyo kasabay ng Labor Day sa Martes, May 1.

Sa abiso ng Department of Energy (DOE), tataas ng piso sa kada litro ang presyo ng kada litro ng gasolina.

70 hanggang 80 sentimo sa kada litro ang imamahal ng diesel at kerosene.


Ito na ang ikaapat na beses na oil price hike kung saan bunsod nito ng galawan ng presyo sa world market at paghina ng piso kontra dolyar.

Facebook Comments