DAGDAG SINGIL | De lata at iba pang pangunahing bilihin nagtaas ng presyo – DTI

Manila, Philippines – Tumaas ng piso ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa mga pamilihan.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) base sa kanilang inilabas na Suggested Retail Price (SRP) piso ang dagdag sa presyo ng ilang brand ng sardinas na 155grams kung kaya at naglalaro ang presyo ng sardinas sa P13.25 hanggang P16.50.

Ang corned beef naman na 150 grams ay nasa P26 hanggang P30.95 ang presyo.


Ang instant noodles ay naglalaro ang presyo sa P6.30 hanggang P7.30.

At ang 3in1 coffee ay may SRP na P4.10 hanggang P7.85.

Sinabi ng DTI na sa mga susunod na araw maglalabas na rin sila ng SRP sa mga Noche Buena items lalo na at pumasok na ang ber months.

Facebook Comments