TIMBOG | Isang driver nahulihan ng shabu sa Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang driver matapos na maaresto ng mga operatiba ng Sampaloc Police Station Police Station 4 sa Recto Avenue malapit sa kanto ng Nicanor Reyes Street, Sampaloc, Manila.

Napag-alaman na nagsagawa ng simultaneous anti-criminality law enforcement operation ang mga operatiba ng MPD na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek na si Edwin Erese Mangahas, alyas “Edwin” 37-anyos driver at residente ng 705 Halili Street, Sampaloc, Manila na nakumpiskahan ng isang plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa sa suspek.


Facebook Comments