Manila, Philippines – Hihirit ng dagdag presyo ng tinapay sa Department of Trade and Industry (DTI) ang isang grupo ng mga may-ari ng mga panaderya.
Ayon kay Lucito Chavez ng Philippine Federation of Bakers Association Inc. ( PFBAI), posibleng sa Miyerkules o Huwebes nila ihain ang petisyon sa DTI.
Pero sa ngayon ay hindi pa masabi ni Chavez kung magkano ang hirit na dagdag-presyo dahil may iba pang mga dapat isaalang-alang.
Batay sa PFBAI, may maliliit na panaderya na ang nagbawas ng sukat ng kanilang pandesal o di kaya ay nauna nang nagtaas ng presyo ng kanilang tinda.
Una nang iginiit ni Department of Trade ang Industry Undersecretary Ruth Castelo na hindi basta-basta puwedeng itaas ang presyo ng mga tinapay, kabilang ang sliced bread at pandesal.