DAGDAG SINGIL | Grupong BAYAN, irereklamo sa ERC ang sistema ng paniningil ng Meralco sa bill deposit

Manila, Philippines – Dudulog ang grupong BAYAN sa Energy Regulatory Commission (ERC) para ireklamo ang sistema ng paniningil ng Meralco sa kanilang bill deposit.

Ayon kay Renato Reyes, maraming customer ng Meralco ang nakatanggap ng sulat na sinasingil ng dagdag na deposito matapos lumaki ang konsumo sa kuryente.

Pero paliwanag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldariagga, kung lumagpas sa 10 porsiyento ang average na konsumo sa kuryente kumpara sa binayarang bill deposit ng customer noong nagpakabit ng kuryente, sisingilin siya ng mas mataas na deposito.


Aniya, magbabayad ang konsumer sa loob ng isang taon para magtugma ang bill deposit sa average monthly consumption ng customer.

Ngunit kung bumaba naman ang konsumo ng 10 porsiyento sa monthly average kumpara sa deposito, ibabalik din sa konsumer ang sobrang singil.

Giit ng Meralco, nasa magna carta ng electricity consumers ang ganitong sistema sa paniningil ng bill deposit.

Facebook Comments