PANANAGUTIN | Isa sa mga suspek na pumatay kay dating La Union Representative Eufranio Eriguel, nakasuhan na

122

Manila, Philippines – Nakasuhan na ang isa sa mga suspek sa pagpaslang kay dating La Union 2nd District Congressman si Eufranio Eriguel.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, maaaring nasa miting de avance rin si ang suspek na si Felizardo Villanueva alyas “Ambo” nang mangyari ang pagpaslang noong Mayo 12.

Kumandidato si Villanueva sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Election pero natalo ito.

Patuloy naman sa paghingi ng hustisya ang pamilya at mga tagasuporta ni Eriguel.

Nabatid na binaril din ang sasakyan ng kaniyang misis na si La Union 2nd District Representative Sandra Eriguel pero nakaligtas ito dahil nakasuot ng bulletproof vest.

Noong Agosto 2016, naisama sa listahan ng ‘narco-list’ si Eriguel, pero natanggal din sa listahan noong 2017.

Facebook Comments