Manila, Philippines – Nasa 170 mga pribadong eskwelahan sa Metro Manila ang nagtaas ng matrikula ngayong school year 2018 to 2019.
Ayon kay Department of Education National Capital Region Director Wilfredo Cabral, 5 hanggang 15 porsyentong tuition hike ang kanilang inaprubahan.
Sa 170 paaralan na may tuition hike, karamihan ay nasa Quezon City habang sa Navotas City lang ang walang pagtaas ng matrikula.
Pagtitiyak naman ni Cabral, na mino-monitor nila ang mga paaralan kung sumusunod ang mga ito sa panuntunan ng kagawaran.
Bago maaprubahan ang tuition hike, dapat ay nagkaroon muna ng konsultasyon.
Ang 70 porsyento ng increase ay dapat mapunta sa dagdag sahod at benipisyo ng mga tauhan ng isang paaralan.
Habang ang 20 percent ay dapat mapunta sa modernisasyon o pagpapaganda ng pasilidad ng paaralan at ang 10 porsyento ay sa kita.