Manila, Philippines – Muling humirit ng dagdag-presyo ang ilang manufacturer ng mga de-latang sardinas bago pa mapako ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa loob ng tatlong buwan.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, nasa P3 dagdag sa presyo ng kada lata ang hirit ng mga kompanyang Youngstown, Mega at Toyo.
Gayunman, hindi aniya basta-basta mapagbibigyan ang hirit ng mga ito.
Sabi ni Castello, papayagan namang muling magtaas ang presyo ng mga produkto pagsapit ng holiday season o Disyembre dahil sa inaasahang paglaki ng pangangailangan sa mga bilihin.
Iginiit naman ni Atty. Vic Dimagiba presidente ng Laban Konsyumer na lubusin na hanggang sa dulo ng 2018 ang “price freeze.”
Target ng DTI na mailabas ang bagong listahan ng Suggested Retail Price (SRP) ng mga bilihin sa Sabado, Setyembre 1.