Manila, Philippines – Plano ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na itaas sa limang piso ang pasahe sa LRT Line 1.
Lalo at pinaghahandaan ang konstrukyon ng Cavite extension nito.
Ayo kay LRMC President Juan Alfonso, aabot sa halos 300,000 pasahero ang madadagdag kapag natapos ang Cavite extension.
Dagdag pa ni Alfonso, mapapabilis din nito ang biyahe: mula Baclaran hanggang Sucat ay 15 minuto na lamang; patunong Las Piñas ay 20 minuto; hanggang Bacoor, Cavite ay 30 minuto lamang.
Ipinagmalaki rin ni Alfonso na mula ng maging sila ang operator at maintenance provider ng LRT-1 ay bumilis ang headway o pagdating ng mga tren, mula sa dati na limang minutong paghihintay ng susunod na tren ay 3.5 minutes na lamang.
Aniya, kapag ipinatupad ang fare increase ay magiging 25 pesos ang average na pamasahe kaparehas sa pasahe sa bus at mura sa taxi at Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Binanggit din ng LRMC ang traffic study ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na solusyon ang mass transport system sa problema sa trapiko sa Metro Manila.