DAGDAG-SINGIL| Modern jeepney operators, humirit ng taas pasahe

36

Manila, Philippines – Humirit na rin ng taas pasahe ang mga operator ng modernong jeep dahil sa pagtuloy na pagsipa ng presyo ng mga spare parts.

Batay sa kanilang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), humiling silang itaas sa P10 ang minimum fare at P2 kada kilometro sa non-aircon.

Habang P12 minimum fare at dagdag na P2 kada kilometro sa aircon modern jeep.

Maliban rito, humirit rin sila ng dagdag pisong rush hour rate o tuwing 5:00 8:00 a.m at 5:00 hanggang 8:00 p.m.

Tiniyak naman ng LTFRB na pag-aaralan nila ang naturang petisyon.

Facebook Comments