HULI | Lalaki, arestado sa pagnanakaw ng chocolate

9

Sorsogon – Arestado ang isang lalaki matapos na mahuli sa akto na tangkang pagpuslit ng ilang mamahaling tsokolate sa isang supermarket sa Barangay Sulucan, Sorsogon.

Kinilala ang nadakip na si Ryan Pajo Alsagar, 24-anyos, residente ng Tugatog, Malabon City.

Mismong ang security guard ang nakahuli sa suspek at ninakaw nito ang pitong piraso ng chocolate na may kabuuang halaga na P4, 971.50.

Itinago pa nito ang apat sa isang brown paper bag habang sa suot na gray sling bag naman ang tatlo hanggang sa lumabas na hindi dumadaan sa cashier para sa bayad.

Aminado naman ang suspek sa nagawa at sinabing pampasalubong sana niya ito kapag nakauwi na siya sa kanilang bahay.

Facebook Comments