Manila, Philippines – Umarangkada na kahapon ang public consultation ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System hinggil sa hirit na dagdag-singil ng Maynilad at Manila Water.
Nasa P8.30 per cubic meter ang hirit na dagdag-singil ng Manila Water habang P11 sa Maynilad.
Ibig sabihin, P257 ang dagdag para sa mga customer ng Manila Water na kumokonsumo ng 31 cubic meters kada buwan habang dagdag na P341 kada billing para sa mga customer ng Maynilad.
Sa konsultasyon, kinuwestyon agad ni Renato Reyes ng grupong bayan ang water rate hike dahil malaki naman aniya ang kita ng dalawang kompanya.
Aniya, aabot sa P6.5 billion ang net income ng Manila Water noong 2017 habang P7.4 billion ang sa Maynilad.
Nangangamba naman si Bayanmuna Rep. Neri Colmenares na baka madehado ang mga consumers.
Pero ayon sa MWSS, pag-aaralan pa nila ang petisyon ng dalawang water concessionares.