Manila, Philippines – Maaaring tumaas ng lima hanggang pitong piso ang pamasahe sa LRT 1.
Ayon kay Juan Alfonso, President at Chief Executive Officer ng Light Rail Manila Corporation, ito ay sakaling maaprubahan ang inihain nilang fare increase petition sa LRTA board.
Ang posibleng pagdagdag sa pasahe ay dahil din sa mga improvement na isinasagawa sa mga bagon at istasyon ng LRT.
Naniniwala rin si Alfonso na ayos lamang sa mga pasahero na magdagdag ng bayad kapalit ng magandang serbisyo.
Marso nang ihain ang petisyon, sakaling maaprubahan ito, agad itong ipatutupad sa agusto. Sa ilalim ng concession agreement ng LRMC sa gobyerno, maaari silang humingi ng dagdag pasahe kada dalawang taon.
Sakaling hindi naman naman maaprubahan ang fare hike petition, gobyerno ang magsa-subsidize sa dapat sana at limang dagdag na bayad ng mga pasahero.
May average na kalahating milyong pasahero ang sineserbisyuhan ng LRT 1 kada araw.