DAGDAG SINGIL | Panibagong oil price hike sa susunod na linggo, naka-amba!

Manila, Philippines – Naka-amba na naman ang panibagong oil price hike sa susunod na linggo.

Base sa trading ng langis mula noong Lunes hanggang kahapon, tinataya na P0.77 hanggang P0.91 ang itataas ng kada litro ng gasolina.

Samantalang aabot naman sa P1.34 ang pagtaas sa presyo ng bawat litro ng krudo o diesel.


P1.09 naman ang maaring idagdag sa bawat litro ng kerosene o gaas.

Maari pang magbago ang tinatayang dagdag sa halaga ng produktong petrolyo depende sa magiging bentahan ng imported na langis ngayon araw.

Ito na ang ika-walong sunod na linggo ng taas presyo sa langis.

Facebook Comments