DAGDAG-SINGIL | Point to point premium bus na RRCG, nagtaas ng pamasahe

Manila, Philippines – Nagtaas ng P20 sa pamasahe ang RRCG bus na may rutang Alabang-Makati mula sa dating P80.

Ayon sa naturang point to point premium bus operator, ito ay dahil sa patuloy na pagsipa ng presyo ng krudo.

Anila, umabot sa mahigit 70 percent ang gastos nila sa petrolyo sa nakalipas na dalawang taon.


Paliwanag ng RRCG, nasa memorandum circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na P110 ang pamasahe nila sa nasabing ruta.

Pero nagkaroon sila ng promo na P50 sa loob ng isang taon.

Kalaunan ay itinaas nila ito sa P80 at ngayon ay nagdagdag sila ng P20 sa pamasahe.

Facebook Comments