DAGDAG-SINGIL | Presyo ng asukal, tumaas

Manila, Philippines – Tumaas ng limang piso kada kilo ang presyo ng asukal sa merkado.

Ito ay baya sa monitoring ng Sugar Regulatory Administration o SRA sa loob lang ng kalahating buwan.

Paglilinaw ni Agriculture Secretary Manny Piñol na walang shortage sa asukal.


Aniya, nagkataon lang na kinulang ng mga trabahador sa mga sugar cane farms para mag-ani.

Kasabay nito, ipinag-utos ng SRA na ang lahat ng hindi pa nae-export na mga asukal ay gamitin sa lokal na merkado para maiwasan ang patuloy na pag-taas ng presyo nito.

Facebook Comments