Manila, Philippines – Ilang araw bago ang Pasko, nagsimula ng magtaas ang presyo ng ham sa merkado.
Ayon sa ilang tindera, nasa P20- P40 ang itinaas ng hamon sa merkado dahil nagmahal din ang presyo sa mga sangkap nito.
Maliban dito, nagtaas rin ang presyo ng commercial ham ng 5 hanggang 8 percent sa mga supermarket.
Paalala naman ni Trade Secretary Ramon Lopez, na dapat ay maging wise ang mga mamimili sa pagpili ng mga bibilhin para sa Pasko.
Aniya, kinakailangang matuto ang mga consumer na piliin ang mas murang brands.
Kapag nararamdaman aniya ng supplier na walang bumibili sa kanilang produkto ay binababaan nila ang presyo ng kanilang produkto.
Inaasahang mas tataas pa ito habang papalapit ang Pasko.
Facebook Comments