DAGDAG SINGIL | Presyo ng ilang specialty bread, posibleng tumaas

Manila, Philippines – Posibleng tumaas ang presyo ng ilang specialty bread sakaling lumaki ang demand para rito sa Pasko.

Ayon kay Filipino-Chinese Bakery Association President Peter Fung, hindi maihahalintulad ang specialty bread sa Pinoy tasty, o sliced bread at Pinoy pandesal dahil ang mga ito ay mga pangmasang tinapay.

Nakabatay kasi aniya talaga ang presyo ng specialty bread sa demand na kadalasan ay mataas tuwing holiday season.


Una nang tiniyak ng samahan ng mga community baker o maliliit na panadero na hindi sila magtaas ng presyo hanggang matapos ang taon.

Facebook Comments