UNDAS 2018 | Mga bulaklak galing Baguio at ibang bansa, nagsimula nang dumating sa Dangwa

Manila, Philippines – Nagsimula nang dumating sa Dangwa sa Maynila ang mga bulaklak galing Baguio at sa ibang bansa na ibebenta para sa Undas.

Sa ngayon matumal pa ang bentahan ng mga bulaklak sa Dangwa.

Gayunman, inaasahang sisigla na ang bentahan nito sa susunod na weekend.


Tiniyak naman ng mga tindera sa Dangwa na sapat ang kanilang supply pero asahan na anilang taas ng 20 hanggang 50 porsyento ang presyo ng mga bulaklak dahil sa inaasahang mataas na demand.

Facebook Comments