Tuesday, January 20, 2026

DAGDAG SINGIL | Presyo ng kandila tumaas na

Manila, Philippines – Ngayong tag ulan kung saan minsan nakararanas ng power interruption.

Nagkaroon pa ng pagtaas sa presyo ng mga kandila.

Ayon kay Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo ng Consumer Protection Group dalawang piso hanggang syam na piso ang itinaas sa presyo ng isang brand ng kandila.

Mula sa dating P36 ang apat na pirasong puting #16 esperma na kandila, sa ngayon P38 na ang halaga nito.

Syam na piso naman ang itinaas ng 2 pirasong puting #24 esperma candle kung saan mula sa dati nitong P136.75 na presyo nasa P145.75 na ang presyo nito sa ngayon.

Pero paglilinaw ni Undersecreatary Ruth Castelo, pasok pa sa tinatatawag na Suggested Retail Price (SRP) ang presyo ng nabanggit na kandila.

Samantala, sinabi pa nito na posible ding tumaas ang presyo ng ilang brand ng kandila.

Sa ngayon kasi, isang tatak pa lamang ng kandila ang naghain sa kanila ng price hike request at kanila namang pinayagan dahil sa pagtaas ng raw materials sa paggawa ng kandila.
Posibleng sa katapusan ng buwan ng Hunyo ilalabas ng DTI ang pasya kung papayagan din ang iba pang brand ng kandila na magtaas ng kanilang presyo.

Facebook Comments