Manila, Philippines – Matapos ang sunod-sunod na oil price hike, nakaamba namang tumaas ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) bukas.
Sa abiso, tatlong piso hanggang apat na piso ang itataas kada kilo ng LPG.
Ibig sabihin, posibleng pumalo sa ₱33 hanggang ₱44 ang dagdag-presyo sa kada 11 kilong tangke nito.
Ayon sa LPG Marketer’s Association (LPGMA) party-list, sumusunod lang din ang presyo ng LPG sa presyo ng diesel at gasolina sa world market.
Facebook Comments